ITIM

Ang LP challenge para sa Linggong ito ay Itim. Bakit ang anino itim? Bakit hindi siya puti o kaya ay makulay tulad ng dilaw, orange o kaya berde? Ito ba ang nagpapahiwatig nang itim na budhi ng tao? Pilit man itong itinatago o kaya ay kinukulong sa ating sariling kalooban, lumalabas pa rin ito. Pero hindi ibig sabihin lahat ng tao ay masama, dahil ang anino ng lahat ay itim. Ang ibig sabihin lang nito, bawat isa sa atin, may kasamaan sa kalooban. Yun nga lang, sa iba ang kasamaang ito ang nangingibabaw. Karamihan naman sa tao ay ang kabutihan ng sarili ang lumalabas na pangunahing pag uugali at hindi ang kaitiman ng budhi na natural na kasama sa ating pagkatao.

Okay, opinyon ko lang po ito.

Happy LP week po sa inyo!

Related Images: