Ang danyos ng Bagyo…

Sa relasyon, palaging may dalawang daan. Dalawang kalye, dalawang opinion. Dalawang idea na pwedeng mag tugma o di naman kaya ay palaging salungat sa isa’t-isa. Dalawang tao na may sariling pag iisip at may kanya-kanyang opinyon at panata.

Hanggang ngayon bumabagabag sa isip ko ang katanungang ito: “Isa nga bang malaking misteryo kung paano nagtatagal magsama ang dalawang tao?”

Kasi kung ako ang tatanungin niyo, sa totoo lang ay hindi ko din alam. Wala akong ginamit na formula, wala akong sinunod na batas o patakaran. Basta ang sinunod ko lang ang aking isip at damdamin. Kung ano ang pakiramdam ko at sa pag iisip ko ay tama, okay na yun. Go and fight na ako sa ano-mang dumating sa buhay naming mag-asawa. Ang pag uunawa at pag tanggap sa kasama mo sa buhay ay buong puso na ginagawa. Dapat tanggap mo siya at ang buong pagka-tao niya. Kasama na sa kabaitan at mapag-mahal na katangian, ang kalokohan at talangka niya sa utak.

Madami ako niyan… kalokohan at talangka sa utak. At mukhang tanggap din naman ito ng asawa ko. Pinag aawayan namin pero sa bandang huli nag kaka-ayos din kami. Huwag niyo nalang maitanong kung ano ang nangyari sa talangko ko sa utak, hahaha.

Basta ang alam ko, sa pag katapos ng dagsa ng salita at mala bagyong buhos ng emosyon, okay na ulit. Tahimik na ulit ang paligid at buhay. Importante, mapag usapan at mailabas ang masamang hangin na nag lalaro sa isip nilang mag-asawa.

Ang mahirap lang nga, hindi lahat ng mag asawa naka-kayanang lagpasan ang isang “Bagyong Andoy” sa buhay nila. Madalas, hindi na naibabalik ang kanilang respeto at pagmamahal sa isa’t-isa sa pag tila ng ulan at pag-tigil ng buga ng malakas na hangin sa buhay nila bilang mag asawa. Nakaka lungkot na nauuwi sa hiwalayan ang isang simpleng di pagkaka-unawaan nila.

Ngunit sabi nga din na Tita ko, siguro masyado akong ideyalista. Hindi ko naiisip na baka naman ang dahilan ng pag hihiwalay ng isang mag asawa ay mas malalim pa sa isang balon na pinagha-hangoan ng tubig. Sa pagkakataong ito, silang dalawa lang ang nakaka alam kung bakit nila kailangang iwan ang isa’t-isa.

Sa huli, sabi nga ng mga nakakatanda:

“Minsan kailangan natin gawin ang mga bagay-bagay na ayaw nating gawin. Dapat harapin ang problema upang mahanapan ito ng tamang lunas sa halip na isang-tabi lamang ito o ipagpa bukas.” —

 

 

 

 

This entry was posted in Personal musings, Travels. Bookmark the permalink.

5 Responses to Ang danyos ng Bagyo…

  1. Gerry says:

    una sa lahat hindi naman talaga ako bloggers..naaksidente lang sa pag susurfing lumabas ang blog site mo na maganda ang thema medyo nagka interest ako sa pagbasa kaya nagbigay ako ng comment..

    Korekt ka sa sinabi mo ganyan talaga ang buhay mag-asawa pero kung halos araw-araw sa tinagal ng pagsasama at lagi na lang ganoon pwede na dumating sa puntos na ang bawat isa ay gumawa ng hindi maganda (alam mo na iyon) and at the end maaring dumating sa sinabi mo. Ang bawat tao ay hindi perfekto sa buhay minsan mas marami ang hindi mo inaasahan na nadiskrube na lang ng kayo ay mag-asawa na at habang tumatagal ang pagsasama may nakikita na hindi maganda sa madaling salita ang magandang expectations na inaasam sa buhay ay unti-unting tumutungo sa frustrations. Maaring mayroon ng lahat sa buhay material na bagay sa tingin ng tao maganda ang pagsasama pero sa kabila noon ay nagdurusa pilit inisasalba ang marriage,malungkot sa buhay o nagtatrabaho na lang para maaliw at lumipas ang oras.

    Sa aking opinyon gagawain ko ang makakapagpasaya sa akin para maging maligaya at gumaganda ang takbo ng buhay sa akin karanasan minsan nga mas mabuti na kakilala mo na opposite sex ang kausap, comfortable ako nalilimutan ang mga problema kaysa sa close o trusted friend na pagsasabihan…minsan hindi mo alam ikaw na pala ang pinag-uusapan pero hindi mo alam tinitira ka pala ng talikuran.

    Comment ko lang ito and its my own opinion…

  2. Hannah says:

    Hello Gerry, salamat sa komento mo.

    Sa puntong: “Ang bawat tao ay hindi perfekto sa buhay minsan mas marami ang hindi mo inaasahan na nadiskrube na lang ng kayo ay mag-asawa na at habang tumatagal ang pagsasama may nakikita na hindi maganda sa madaling salita ang magandang expectations na inaasam sa buhay ay unti-unting tumutungo sa frustrations.” –

    kaya nga sabi ko: “Dapat tanggap mo siya at ang buong pagka-tao niya. Kasama na sa kabaitan at mapag-mahal na katangian, ang kalokohan at talangka niya sa utak.” Di ba ang lahat ng ito ay nakikita lang naman sa ka pareha kung nag sasama na ang dalawa? Kailangan tangapin unawain.

    At sa huli, kahit sino man, gagawin nila ang sa tingin nila ay maka pag bibigay ng saya sa kanila. Ang punto lang is to make sure na walang ibang madadamay o mapapasama sa actions nila bilang mag asawa – halimbawa mga anak, o mga naanakan na sa huli ay naiiwanan din naman… hehehe.

    hope dalaw ka ulit dito sa dampa ko…. Happy Holidays!!!

  3. Gerry says:

    Hello hannah, una sa lahat salamat sa response at pag welcome mo sa pagka dalaw ko sa blog site mo.

    Dagdag pa rin ito na sa aking unang komento at sagot ko sa response mo. “Kung paano nagtatagal ang pagsasama ng dalawang tao” Sa aking opinyon buong pusong nagmamahalan at nagkaka-unawaan ang isa´t isa na kahit ano pang bagyo o pagsubok ang dumating sa buhay hindi kayang wasakin..matibay ang pundasyon na kamatayan lang ang makakapag-hihiwalay “For better or worst till death do us part”siguro iyan ang sinumpaan ng bawat isa. Tama ka na tanggap ang buong pagkatao kasama na ang lahat(na banggit mo na iyon) at sa akin may mga dahilan pa rin itama mo kung mali ako may anak na maiiwanan, ipakita sa pamilya o kaibigan na maganda ang pagsasama na hanggang kaya pero sa tunay wala ng pakialaman at lumalabas na magkaibigan o room mate na lang at sa akin naniniwala pa rin ako sa itinadhana ng Diyos sa bawat isa.

    In general, sa trabaho man o relasyon dumarating na kailangang mag-desisyon at mag-sakripsiyo ng bagay para maging masaya,mapanatag ang kalooban at magkaroon ng peace of mind. Sabi nga ng iba walang kwenta ang buhay kung hirap at pag-durusa ng kalooban..change for the better kung dumating para mabago..”opportunity doesn´t come all the time”, nobody knows what happen next..whether its right or wrong ang naglalaro sa isipan “gagawain ko ba ito o tiisin for the rest of my life” Gaya nga ng sabi mo ang problema ay kailangang harapin at bigyan ng lunas at hindi sa isang-tabi o ipagpa-bukas na lamang.

    Sa modernong panahaon ngayon hindi lang sa sine at teleserye sa tv nakikita kung bakit humantong sa hiwalayan at matagal ng nangyayari sa tunay na buhay at banidad na sa mundo.Masakit man sabihin at nasa kasabihan bato-bato sa langit tamaan ay huwag magagalit. Marami sa nag-asawa ay ginamit ang ISIP na walang damdaming pagmamahal para makamit ang gustong buhay,,,security kasama na ang material na bagay, hindi naka plano (na pilitan lang) o kaya naman ay hinihingi ng pagkakataon. Hindi lahat ay naging sucessful at lumigaya dahil magka-iba ang daan na tinatahak ng bawat isa para harapin ang buhay may asawa (malimit ang hindi pagkakaunawaan o stormy relationship) at ang iba sila lang ang nakakaalam.

    May kanyang opinyon ang bawat isa na pwedeng magtugma..sa akin kung dumating ang isang bagay na alam ko at sigurado ako sa sarili ko para maging masaya sa fullfillment ng buhay gagawain ko. Mahirap pigilin ang damdamin pilit itong pumapasok at bumabagabag sa isipan na mahirap alisin. Kalimitan sa situasyon hindi maiwasan na may madamay palagi ata kasama iyon. Nasa may katawan na pag-usapan, isiping mabuti kung paano dadalahin para hindi masaktan ang bawat isa and at the end handle it carefully with complete trust and respect for each other. Sometimes its worth to try and take the risk for the sake of happiness and comfort in life.

    Pasensya na napahaba ang komento …maganda at interesting ang thema…enjoy this coming holiday seasons with your family and thanks again for the opportunity to comment on your blog.
    In advance Merry Christmas and a Happy Prosperious New Year

  4. MissP says:

    Hi Gerry,

    Salamat sa input mo. Naaliw ako habang binabasa ko ito. May naalala akong tao na halos magkapareha ang pananaw niyo… Madalas pagdating sa ganitong topic, kulang ang haba ng gabi sa pagde-diskusyon namin. Kaya tuloy, kulang din ang isang boteng fundador na pang tagay sa magandang usapan. Hahaha… 🙂

    Nga pala, excuse the short reply. On the road pa ako. Pagdating ko sa bahay tsa-tsaniin natin isa – isa ang punto mo sabay inom ng wine, maganda para sa ganitong tag lamig na panahon. 😉

  5. Gerry says:

    Hello Miss P, salamat sa komplemento kaya minsan ganado ako na mag-comment sa blog inaapreciate and comments ko.

    By the way, Na tsa-tsani mo na ba ang bawat punto ko sa kommento baka naman napasarap ka sa pag inom ng wine kaya hindi ka nakasagot …joke lang… siguro
    busy ka o kaya nalimutan mo na.

Comments are closed.