Glutha, Metha at ngayon naman BB cream from Korea. Kaloka! I can’t seem to keep up with all these whitening products. Kaliwa’t-kanan ang labasan ng mga adverts nila. Alin nga kaya ang effective sa kanila?
Ano ba? Totoo ba ang himala? Pag gumamit daw nito isang isang tao ay magiging “fair” ang comlexion nito? Pampaputi daw o baka naman mamumutla ka sa mahal?
Simula nung bumalik ako galing Pilipinas, sabi ng mga kakilala ko dito sa Alemanya ay pumuti daw ako. Ano daw ang ginawa ko? At kung nag gu-Gluta nga daw ba ako?
Gluta? Ahh. yung sinabi sa akin ng Tita ko na actually ay supplementary tabs/caps for the liver at iba pang internal organs… at ang side effect daw nito kapag tini take ng matagal ay nagiging fair ang complexion ng tao. Pampakinis din daw ito ng balat.
Huh??? Eh, (kakapalan ko na ang mukha ko ha), matagal na pong makinis ang balat ko! Hahaha… joke lang po. Actually, hindi ako nagte take ng caps or tabs nito. But I do use the Gluta-Milk soap na nabili ko nga sa Pinas. Nung andun kasi ako, masyado naman akong nawili magbilad sa araw, kaya nangitim na naman ang Lolé. Natakot akong tawagin na naman akong “Baluga” nung isang kaibigan namin na Aleman kaya naghanap ako ng makakatulong sa akin na sabon na hindi naman kamahalan. Hindi ko naman po afford ang Bello Essentials at lalong hindi ko afford magpa inject ng ilang beses ng Glutathione or Metathione.. or kung ano pa man yang mga “…ione” na yan.
Mukhang effective naman ang mumurahin kong sabon kasi nabati naman ako ng ibang kaibigan dito sa Alemanya na pumuti nga daw ang kyutis ko lalo na sa mukha. Minsan, tinanong ako kung ano daw ang powder na gamit ko… sabi ko wala po, kasi late na ako nagising at wala na akong time na mag polbo man lang ng mukha. Talaga bare ang mukha ko nung araw na iyon. Ayun nga, kuminis nga daw ang fés ni Lola. Kuminis nga po talaga ang fés ko… pero sa palagay ko ang kailangan ko talagang pag-ipunan ay ang pampa face lift ko. Kasi pansin ko, medyo halos naginging papaya na ata ang mga pisngi ko… o baka naman tumaba na ulit ako…in which case kailangan ko din mag ipon pampa lipo!…(hahaha!)
Vanity—is this a virtue or a sin? Either way, it could make a deep hole in my pocket.