Amerika…

Ah, hindi Amerika dito sa Alemanya ha. Kundi yung totoong USA ni Uncle Sam.

Noong katapusan ng Mayo, lumipad kami ng kaibigan ko papunta Merika. Pumunta kami sa San Francisco, Las Vegas, Chicago, Wisconsin, New York, New Jersey at Atlantic City. Teka, may nakalimutan pa ba ako? Feeling ko kasi meron eh. But it will come back to me pag nasilip ko na ulit ang aming photos na ginawa namin sa bawat lugar na aming nabisita doon.

Nakarating nga kami sa Chicago ng kaibigan ko. Nakaka-tawa kasi, di namin akalain na talaga palang magkalapit lang ang housing galore ng sisterets ni prendo ko sa flat ni madir ko. Sinundo kami ni sister Bheng at kanyang janakis an boylet kasam din siyempre si hubby niya.

Paglabas namin sa airport, ang innniiiiiit!!! Susme, parang nasa Pinas kami. Tulak-tulak namin ang aming mga push carts habang hanap sa car rental stations. Kasi, nag reserve kasi kami ng sasakyan from Alemanya pa sa isang rental agency via the net.

After a few minutes of asking, going back and forth and finally talking to someone on the car rental service hotline doon sa airport, napag alaman namin na ang kotse pala ay dapat naming kunin sa Chicago Midway Airport. Eh, ang problema nasa Chicago O’Hare kami!

Sinagest agad ni hubby ng sisteret ni prendo na ipa transfer nalang ang car rental order na yon para sa San Francisco. Tutal may extra car naman silang ni reserve para sa amin din. Di na daw kailangan. Kaya ayun, nag decide kami na umuwi nalang muna at doon na lahat i organize sa bahay nila ang pagpapa transfer.

Pagdating namin sa bahay ng prends, naka ready na ang lafang. Afternoon na kasi at may plano pala silang mag grill party para sa aming pagdating. Ang daming fud. May problem, ang aking no carb diet regime for dinner. PATAY! Nasira ang diet ko sa unang pagdating palang sa Merika. Pero, okay lang… kasi bakasyon naman diba?!

Maya-maya lang ay pinag uusapan na ang aming IT while there in the Chicago area. May mga suggested places na silang pu-puntahan namin. So, off we went to the Botanical Garden, Old Orchard at Chicago City by night. Wisconsin area, Holy Hill at ang paboritong puntahan ng mga Pinoy tourists doon: Kenosha at Guerney outlet shopping areas.

This entry was posted in Friends, Travels. Bookmark the permalink.