Si Ms. Regine Velasquez

I am a fan of a lot of Filipino artists. Pero admittedly, I’m a die hard fan of Ms. Sharon Cuneta and Regine Velasquez. I never miss any film of these two. I keep track of their television shows, love life and concerts.

Tapos dumating na rin sila Juday, Kristine Hermosa, Sarah Geronimo, Bea Alonzo at Angelica Panganiban. I like these ladies. Sa buhay ko dito sa Alemanya, sila ang nagpapaalala sa akin ng mga kilig, iyakan at gimikan days ko sa Pinas. Yung kahit walang pera at puro problema ako, masaya pa rin ako. Isang tawag lang ng kaibigan ko okay na ulit. Kahit tuma-tambay lang kami sa Malls at nagpapalamig, masaya na. Kahit lumuluwa na ang mga mata namin sa mga nakikita naming magagandang bagay sa Malls na di naman namin kayang bilhin, ay okay pa rin.

Don’t get me wrong. Masaya ang buhay ko dito sa Alemanya. Pero, komo nga Alemanya ito at hindi Pilipinas, pakiramdam ko may kulang pa rin talaga. Kaya, even si hubby ay very supportive sa pagta tangkilik ko sa mga telenovelas at Filipino movies. Minsan nga siya pa mismo ang nakakahanap ng mga bagong palabas online at siya na rin ang gumagawa ng paraan para mapanood ko rin ang mga ito.

Madalas, ino-order niya sa mga ka trabaho niya sa Pinas o di naman kaya hinahanap nalang namin online. Pero may time din talaga na mahirap maghanap ng mga kathang Pilipino na ginagampanan ng mga nabanggit kong artista. Sa pagkakataong ito, binabalaikan ko nalang ang mga luma nilang pelikula, telenobela at walang kamatayang mga Filipino love songs nna kinanta nila.

Malaki din ang pasasalamat ko sa You Tube kasi madami akong napapanood dito na mga nakakaligtaan ko sa ibang sources ko.

Tulad nalang nito. Promise, winner si Ms. Regine Velasquez dito.

At dito naman… in fairness kahit medyo may sakit yata si Ms. Regine V. powerful pa rin siya!

This entry was posted in Entertainment. Bookmark the permalink.