Basahan

Kodakan na naman, kasi po it’s again LP time!

Basahan. Noong nasa Pilipinas pa ako, ayaw na ayaw ko humawak ng basahan. Hindi ko alam kung bakit, pero basta ayoko lang (period!) Okay, kumikiyeme lang ako. Alam ko kung bakit. Ang ginagawa kasi sa amin noon na basahan ay mga pinag lumaan o butas-butas na kamiseta, medyas o kaya brief ni kuya hahaha!

Kaloka diva! Bakit pa nga naman bibili ng extra para lang pamunas sa sahig, sa sapatos o sa kusina? Sayang lang ang pera. Pero, natutuwa naman ako sa mga tagpi-tagping basahan na nabibili sa mga palengke at sa kalsada. Yung ginagamit ng mga tsuper ng jeepney pamunas sa jeep nila at kung pinag papawisan habang nagma-maneho, ay pwede na ring pamunas sa pawis nila… hehehe.

Kung dating mukhang gusgosin ang basahan, ngayon naman ay mukhang fes towel ang basahan. Pang sahig man o pang countertops at bintana. Yes, extra ang pang bintana. Kasing mahal ng 3 kilong bigas ang basahang pang bintana nila dito. At pinaka mura na yan ha! Sinubukan kong mag padala nito sa Pilipinas. Naisip ko lang, dapat sana yun na din ang gamitin dun sa balay sa paranaque. Pero ayun, nung umuwi ako, naka tupi pa rin na maayos ang basahan. Wala ni isang nagamit. Para yatang gustong ipa gamit sa bisita pag nag hilamos sila… hahaha. Kaloka talaga!

Di po ba, uso na rin ang “wet wipes” as pamunas sa mga tokador o sa kusina. Yung isang kakilala ko, nag uwi nito sa Pilipinas. Para nga naman sosyal, (hahaha) naka wet wipes sa kusina nila kahit na wala koryente sa baryo nila. Ayun, nung nakita ng Nanay niya yung isang supot ng tisyu na medyo mabasa-basa ay isa-isa niya itong sinabit sa sampayan para po patuyuin! Hahahaha…

Yan, istoryang basahan lang po… pamunas sa sahig, pang linis sa kusina o kaya pang shine sa sapatos. Ang basahan – ika nga all around na gamit sa bahay, sa sasakyan at sa pawis ng tsuper ng sasakyan!

This entry was posted in LP Challenge. Bookmark the permalink.

2 Responses to Basahan

  1. Thess says:

    Hannah! Natawa ako sa post mo…kasi totoo lahat sila! Mga lumang damit din trapo namin noon (may panty pa nga eh, lol)pati butas butas na lampin ng baby, trapo rin nauwi. Regarding sa sosi basahan, mahal nga sila dito sa Europa..ang hirap lang eh baka mga bisita ay masita asawa ko na hindi nagbibigay pambili ng basahan kapag lumang brief nya gagamitin ko he he…winner yung isinampay na wet wipes, ha ha ha!

    Happy LP! (wala ka pala sa link ko…add kita darling)

  2. missp says:

    Hi Thess,

    ay bongga… ang hubby ko, noong nakita niya tatay ko na nililinis ang sapatos niya using old socks and worn out udershirts, ayun… imaginin mo kung ilang butas-butas na kamiseta ang naka siksik sa kabinet sa ilalim ng hugasan namin…hehehe.gayahin ba ang pinoy?! kaka aliw talaga!

    salamat sa link 😉

Comments are closed.