Category Archives: Personal musings

Bitter-sweet life

Life is sweet… but life’s experiences are also sometimes hard, sad and bitter.

But in all those times that we go through these, it is also when we learn the most!!!

It’s the sweet returns that we should enjoy…with time!

Related Images:

Umaga na naman…

Umaga na.

Lumipas ang buong mag damag.

Ang mundong madilim, sa kadiliman nito  may iba’t-ibang bagay na nangyayari sa buhay ng tao.

May nagjng masaya, nag ingay, nag trabaho at mayroon din naman na tulog lamang.

Ipinikit ang kanilang mga mata sa dilim, sinabayan ang pagta takip silim – ang mahiwagang kadiliman.

Kadiliman na hindi na pipigilan… kusa at pilit itong nag babalik sa bawat araw na duma daan.

Hanggang sa pag babalik muli ng kaliwanagan – sa pag taas muli ng araw sa Silangan.

Umaga na naman.

Related Images:

Tadhana…

“Ang hindi lumingon sa pinang galingan ay hindi maka-rarating sa paro-roonan…”(Dr. Jose Rizal)

Bakit kailangan lumingon pa? Hindi kaya ito pa ang makaka hadlang sa pag sulong ng kabuhayan?

Hindi ba pwedeng mag sumikap na lang para makarating sa pupuntahan?

Hindi ba pwedeng ang disiplina nalang ang dahilan para makarating sa patutungohan?

Umiikot ang buhay ng tao na parang gulong.

Ang pinagda daanan na tahak ay iba-iba.

Minsan, malubak, minsan mabato, minsan naman lubog sa tubig o kaya naman ay ma putik. Ngunit, dahil hindi ito huminto sa pag gulong, sa katagalan ay nakakarating din naman sa maganda at sementadong daan. Pero tulad ng bilog na mundo at bilog na gulong, pwede din namang sa hindi katagalan ay dumaan na naman ang gulong sa mabato, maputik at malubak na daanan.

Importante, ang mag sumikap na makabalik ulit sa sementado at tuwid na daan.

Sa istorya ng buhay ko, dinala ako ng ihip ng hangin dito sa kina lalagayan ko ngayon. Lumipad sa himpa-pawid ang eroplanong sakay ako mula sa Pilipinas papuntang Europa. Nakarating ako dito na ang baon lamang ay pangarap at tatag ng kalooban.

Pangarap na ta-tanggapin ako ng maayos ng banyagang mundong aking pupuntahan. Pangarap na maka kuha o makahanap ng marangal na trabaho. Pangarap na maka tulong sa pamilya ko na magkaroon ng maayos na buhay. Pangarap na mapaayos ko din ang aking sariling buhay. Isang ma habang biyahe na karga ang napaka raming pangarap at ang tanging sandata ay ang katatagan ng aking kalooban. Buo ang paniniwalang makakamit ko din ang aking mga inaasam.

Subalit, kaagapay ko din sa biyahe kong ito ang aking nakaraan.

Na karaan na pilit kong iwanan. Balak kong kalimutan, talikuran at hinding-hindi na muling ba-balikan.

Ngunit ang tadhana na mismo ang nag takda.

Ang nakaraan ko ay katanungan ng nasa itaas. Ang aking kasagutan magsi silbing pisi ng tadhana ng buhay ko. 

Ang mga susunod na udyok ng damdamin at hakbang ng aking mga paa ang magi-ging takbo ng gulong ng aking Kinabukasan.

Related Images:

My first snowfall… this year!

Remembering life in the Philippines: Sentiments triggered by the fresh snow powder that I woke up to this morning.

Mahirap na talaga baguhin ang mga bagay bagay na kina lakihan ng isang tao. Ika nga – “old habits die hard!”

Noong nasa Pilipinas pa ako, sa probinsiya at pati na rin sa Maynila, natu-tulog akong bukas ang bintana. Masarap kasing matulog na may preskong hangin na dumadaloy sa loob ng kuwarto. *Echos*…, wala lang kaming aircon noon at dahil mainit ang klima sa Pilipinas, isa sa mga magagandang alaala ko noong akoy bata pa, ang bentilador or electric fan! Sa sala, sa kuwarto pati na din sa hapag kainan dapat merong bentilador. Sa kuwarto, nakasanayan naming matulog na bukas/umaandar sa buong mag damaga ang bentilador.

Lumaki ako sa isang extended family environment. Ibig sabihin, bukod sa magka-kapatid, kasama din namin sa bahay ang mga pinsan, mga tito at mga tita. Madalas, kung  nagpapang abot ang buong pamilya, ay siksikan kaming mga magpi-pinsan at magka- kapatid ko sa isang kuwarto. Parang kaming mga isdang kinilaw – na babad sa pawis dahil dikit dikit kami sa higaan. (Kinilaw -Filipino fish receipe wherein fish is washed several times with vinegar and prepared as salad with plenty of red onion, spring onion, calamansi, chili and tomato.) – I digress!

Going back to the bentilador (electric fan) story: Madalas, ang ikot ng bentilador ay hindi na umaabot sa pwesto ko. Kaya, ini-iwan naming bukas ang bintana sa gabi pag natutulog para kahit pa paano ay may hangin na dumaloy sa loob ng kwarto.

Here in Europe, I sleep with my windows kipped. I don’t even turn on the heating in my bedroom. I used to before, but then I noticed that I would wake up with a headache whenever the heating is left on all night. I tried sleeping with windows wide open one Summer night (since i also don’t have a cooling system, just like when I was in the Philippines.. old habits die hard!! *wink* ). I did it again in Autumn, just to be sure … finally, when Winter came, I did the same. Voilà… ever since, I always wake up refreshed and headache free. Salamat sa karanasan, natutunan kong iakma ang aking sarili sa maraming bagay-pati na rin sa buhay at klima dito sa Alemanya.

Today, I woke up to a powder white covered window edges.*yeheyyy— snow is back!”

It is my first snow fall this year… quickly, I searched for my Goblin and grab his sword!!! (oh, I just realized that bit sounded kinky, *wink*)…

I meant, I quickly went to the next room, to get my camera to take a picture of … the neighbor’s backyard… hahaha! I live on the second floor, hence the backyard does not belong to my rented area. But It’s a  free country, so I can take pictures without having to pay for the piece of land, mow the lawn and plant flowers to maintain it. “lol”.

The grand part of it is, looking forward to spring and summer, I can also use the lawn on a hot day, if I need to.. just to relax  or grill some good meat at dusk. Otherwise, I just use my terrace, which is also not bad.

Today, on a cold snnowy wintzer 🙂 day, I just enjoy the view from my second floor window… with freshly brewed coffee and some pleasant thoughts in my mind… I am happy!

Related Images:

Bagong Taon.. bagong Bukas

**Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?**

Paulit-ulit sa isip ko ang kanta na ito…

Tugma naman, sa pagpa- palit ng taon.

Ang mga taon na lumilipas,

Ang mga kahapon na biglang naging bukas…

Ito ay parang mga alon sa dagat,

Duma dayo sa dalamapsigan at bumabalik din sa kalawakan!

Ang Bukas naman ay darating at hindi natin ito mapi-pigilan!

 

 

Related Images:

Sa trabaho ko…

Sa trabaho ko, usapan  between me and my Filipino Guest (“guest”– not passenger and not customer.) 

Standard na sa akin na  sa bawat tanong meron na akong parang naka handang kasagutan. Yung sinasabi ko at yung sagot ko sa utak ko. Yes… minsan may pagka obnoxious ako… pasensiya po! Sa isip ko lang, either talagang interested ang tao o gusto lang maging polite para hindi ko isispin na “snobs” sila…I don’t really care! Actually trabaho lang po ito. Either i am really happy at magaan ang loob ko sa Pinoy guest ko or I don’t really mind and just do my usual routine.

Ang problema, para sa akin kasi, pagsasayang ng oras ang small talk na ganito ang takbo…. hehehe.

Pinoy guest:  san ka dito nakatira?

Me:  malapit po sa Frankfurt  (answer in mind: ahhmm, sa China? hello nasa Frankfurt tayo!)

Pinoy guest:  matagal ka na dito sa Europa?

Me:  hindi naman po masyado… (mga 2 dekada… interesado ka nga ba talaga?)

Pinoy guest:  san ka nagta trabaho?

Me:  ahhhmmm… (guest kaya kita sa trabaho ko? tanungin pa ba??)

Pinoy guest:  may asawa ka? Ilan ang mga anak mo? 

Me:   opo… wala po.

tapos…  

Pinoy guest:  ahhh… so matagal ka na pala dito???

Me:  taas kilay , nanlaki mata at napa nga-nga– …like… huh?? anyare?

Ok, inaamin ko passive naman kasi ang mga sagot ko sa mga tanong niya, kasi medyo obvious naman talaga.

Kala ko nga medyo stating facts nalang siya at hindi na asking question, hahaha!

 

 

 

Related Images:

Enero 2017

Punong-puno ng bagong pag asa at bagong mga pangarap. Kasama ang buong pamilya na nandito sa Europa sa isang salo-salo na puno ng saya.

Ang bagong simula – para itong isang puting papel na wala ni isang guhit na naka sulat o isa mang tuldok na nag lalagay ng dungis sa malinis na simula.

Madami akong naiisip na gusto kong isulat sa papel na ito, pero hindi ko alam kung saan ako mag si simula. Tulad ng pag-asa na dumating kasama ang bagong taon, may dala din itong mga pag aalin langan at kaba kung ano man ang naka tadahanang mangyari sa buhay ko nitong taon 2017.

Mahinahon ko pong tinahak ang pag lapat ng aking mga paa sa mga unang sandali ng 2017… magka halong galak, pangamba at buong pusong umaasa na magiging mas maka buluhan ang buong 2017.

 

 

Related Images:

Dalawang dekada

img_8988Halos  dalawang dekada na akong nakatira dito sa Europa. Marami na akong nakilala, natutunan, pina-halagahan at kinalimutan.

Pagdating ng panahaon, isang bagay nalang ang kailangang pagdesisyunan:

… may handaan? o may handaan? 😀  😆  😛  🙂

 

 

 

 

 

 

 

Related Images:

Book romance

IMG_3903

Whushh… the English and the Frenchies—bachelor, hunks, brilliant and rich.

Played by fools of the women around them.

Like a casanova celebrating, helping, spreading love.

Suffered with love; at war with themselves and against each other.

In fairness, ever loyal to their roots and master.

In the end, they surrender and promise to be faithful and true to only ONE woman.

To love and cherish and respect the same… forever in the eternity of pages.

At the end of the day, it all boils down to – WOMEN rules!

Go Laaadies!!!!

Related Images:

oh when will you get here?

IMG_7683

I miss the warm weather.

I miss wearing t-shirts, shorts, minis and swim-suits…

I miss gently and equally lathering my skin with sun lotion and the wat-nots!

I miss the beach, the sand, the little boat…

I miss ice cream and ice cold drinks to quench the thirst on a really burning day…

I miss weekends on the beach…

I miss walking along the sand in my flipflops or just bare feet.

I miss grill nights…

Oh… summer-bummer!

When are you ever gonna get here???

 

Related Images:

Reads after Fifty and Crossfire series…

I spent my day off with nothing on but my bathrobe and everywhere I went in the house, i had my tablet one one hand and a cup of coffee on the other.

No, i was not chatting or video viewing some late Filipino soap operas on you tube …although even that, i have not done for quite sometime either.

I was actually, catching up on my reading! While I started reading with the companion of a good mug or two of brewed coffee…I moved on to a good choice of Wine with my reads.

Nope, I ‘m not reading really deep, mind bogging books…. instead, because it is St. Valentine’s weekend…I buried myself in reading romance novels with really hot scenes…

Oh, not NR or DS or the good ol’ Harlequin or Mills! böa… I bet nobody remembers those anymore. I used to read those, I call them “Emilyo Bukog” series.

Well, it is  a different era now.

I started with ELJ – the 4th run of the series since I have read the first three like a dozen times already, **wink**.

Now I’m into SD’s Crossfire series… and well, right after I plan to start on the “Billionaire’s Obsessions” series. Yikessss…

Yeah, it is some kind of book marathon. I started last night since I came home from work at around 22 hundred hours… I knew I didn’t have any other appointment for today, which is strange it being a Monday and all…. so i indulged myself to being lazy Susy today.. THE WHOLE effing DAY!!!

And no, I don’t intend to write anything about what I read…

I won’t be caught explaining about BOB’s and BDSM here.

One thing for sure, after ELJ’s 50 and SD’s crossfire series, I need to find the time to look for the rest of the books featured in here.

I guess my MC would go crazy with my book expenditures again, which I expect will be happening soon… if not immediately after finishing this entry,

öch neeee!!!  😈  😆 🙄  😯

 

Related Images:

Missing mi-familya sagrada

Spending quality time with family or “bonding”…that is actually the best way to spend vacation. Days or weeks free from the busy and stressful corporate life. Just a few days in a month, perhaps even a week or two every 3 months? However possible, take the chance whenever it presents itself – I would take it-correct that, I would grab it faster than i could blink an eye ;).

Yes, I would.

Nakakapagod kasi. Ang buhay ko sa ngayon ay may dalawang kinagagalawan laang, ala eh! . Trabaho at Bahay. Sa trabaho, nauubos ang oras sa pagiging stressed out. Mahirap kasing makipag sabayan sa isang mundo ng magka-ibang lahi at kultura. Palaging taliwas ang mga opinyon. Palaging may diskusyon. Palaging may nagpa palapad ng papel at meron ding malalapad ang fes na nagpupumilit iginiit ang baluktot na idea na kanilang naiisip.

At sa bahay naman: nauubos din ang time para sa gawaing bahay. Parang walang katapusan ang labahin at palantsahin. Di ko rin alam kung bakit kahit Weekly ang paglilinis ko sa bahay ay kasing kapal pa din ng abo ng mount Pinatubo ang alikabok sa loob ng bahay ko.

Minsan naiisip ko, siguro pwede na kumuha ng tulong like isang beses sa isang linggo. Maliit lang naman ang bahay.Kayang kaya ng 4 na oras na trabaho. Ang problema, mataimage017.jpggal ang biyahe kung via public transpo. Hmmmm…

Pero, ngayon ay medyo aligaga na naman ako. May malaking kaganapang mangyayari sa buwan ng Hulyo. Sa totoo lang hindi na mapakali ang loley sa pag hahanda. Puno na ang jeepney para sa sunod na biyahe. Kapit na!

Related Images: